TAUNANG GAWAIN
- Buwan ng Sining tuwing Pebrero
- Buwan ng Panitikan tuwing Abril
- Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto
- Taunang Pagpaplano ng SWK tuwing Disyembre
SALIKSIK
Ang sangay na ito ang mangangasiwa sa lahat na mga gawain at proyekto sa saliksik. Ang Tagapamahala ng sangay na ito ay inaasahang magampanan ang mga sumusunod:- Mangasiwa
sa mga isinasagawang pananaliksik sa wika at kultura sa unibersidad gamit
ang wikang Pambansa o katutubong wika.
- Makipagtulungan
sa mga nakatalagang gurong mananaliksik ng unibersidad.
- Makikipag-ugnayan
sa ibang paaralan sa unibersidad upang matiyak ang paglalaan ng
pananaliksik sa wika at kultura.
- Makikipag-ugnayan
sa tanggapan ng Research and Innovation Offiice o RIO para sa gawain at
pagpaplanong saliksik sa wika at kultura sa unibersidad.
- Makikipag-ugnayan
at makipagtulungan sa iba pang ahensiya ng gobyerno para sa proyektong
saliksik sa wika at kultura.
SANGAY SA SALIN
Ang sangay na ito ang magsasagawa ng mga kakailanganing pagsasalin sa unibersidad sa wikang Filipino, Waray at Binisaya. Inaasahan ang Tagapamahala ng sangay na magampanan ang mga sumusunod:- Manguna
sa mga gawaing pagsasalin gaya ng pagsasalin sa mga korepondensiya,
anunsiyo, babala, misyon at bisyon ng unibersidad, infographics at iba
pa.
- Manguna
sa pagsasagawa ng oryentasyon tungkol sa gawaing pagsasalin sa iba’t
ibang tanggapan ng unibersidad.
- Makipag-ugnayan
sa KWF sangay sa salin para sa mga programang pagasasalin
- Makipag-ugnayan
sa UMIO para sa pagsasalin ng mga mahahalagang anunsiyo.
- Magsulong
ng mga gawain, palihan, seminar-workshop at iba pang programang
pagsasalin.
- Gumanap
sa iba pang responsibilidad na iaatas ng direktor ng SWK at nang pangulo
ng unibersidad.
NETWORKING AT EKSTENSIYON
Ang sangay na ito ang mangunguna at mangangasiwa sa pakikipag-unayan sa iba pang ahensiya ng gobyerno at mangangasiwa sa ekstensiyon na gawain ng sentro sa pakikipagtulungan sa mga paaralan sa unibersidad. Inaasahan ang Tagapamahala ng sangay na magampanan ang mga sumusunod:- Maghanda ng mga liham at pulong sa pakikipag-ugnayan
- Maghanda sa MOU/MOA
- Makipag-ugnayan sa ibang tanggapan o kinatawan sa pamamagitan ng e-mail o numero sa telepono
- Maghatid ng mahahalagang impormasyon gaya ng programa at proyekto sa publiko
- Gumanap sa iba pang responsibilidad na iaatas ng direktor ng SWK at nang pangulo ng unibersidad.