Block
Sentro ng Wika at Kultura
BAHAY
TUNGKOL SA BiPSU-SWK
PROGRAMA AT PROYEKTO
MAKIPAG-UGNAY

Sentro ng Wika at Kultura

Ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ay ang sangay na panrehiyon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Bukod sa mga gampaning pangwika, ang Sentro ay inaasahang lumahok at kung maaari’y manguna sa pagsusulong ng mga katangiang pangkultura ng pook (bayan, lalawigan, o rehiyon) na kinalalagyan nito. Noong Setyembre 2016 ay naitatag ang Sentro ng Wika at Kultura sa Biliran Province State University (BiPSU) na dating kilala bilang Naval State University (NSU). Pinagtibay naman ang pagtatatag ng SWK noong Abril 2017 sa pamamagitan nga Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 17-31 Serye 2017
Gampanin ng SWK na magsagawa ng mga sumusunod na tungkulin:
  • Mangasiwa ng mga aktibidad, gaya ng kumperensiya, seminar, palihan, gawad, timpalak, at katulad para sa pagpapalaganap ng wikang Filipino nang may kaukulang pahintulot ng KWF;
  • Lumahok at kung maaari’y manguna sa pagsusulong ng mga katangiang pangkultura ng pook (bayan, lalawigan, o rehiyon) na kinalalagyan nito;
  • Magsagawa ng mga proyekto sa saliksik, pagtitipon, at pagtatanghal ng wika at kultura ng naturang pook;
  • Magtatag ng matalik at mabisang ugnayan at pakikipagtulungan sa mga organisasyon at institusyon sa loob at labas ng unibersidad, lalo na sa DepEd, CHED, TESDA, DOT, NCIP, DILG, people’s organization ng mga katutubo, at LGUs sa pamamagitan ng Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR), tungo sa katuparan ng mga adhikang pangwika at pangkultura nito;
  • Magtaguyod sa lahat ng kampanya at proyekto ng KWF, lalo na sa pagpapalaganap ng wikang Filipino at sa pangangalaga sa kapakanan ng mga guro sa Filipino.

Bisyon

Ang BiPSU ay isang pamantasang kinikilala sa daigdig na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga lokal at global na komunidad.

Misyon

Makapagbigay ng dekalidad at makabuluhang pagtuturo, pananaliksik, at mga serbisyong ekstensiyon para sa pagbibigay ng kakayahan at pagpapaunlad ng ating mamamayan.

Saligang Halagahan

Talino | Pagbabago | Pagsulong | Paglilingkod | Pagkakaisa

MAKIPAG-UGNAY

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. | (053) 507-0072

Brilliance. Innovation. Progress. Service and Unity
P.Inocentes St, Naval, Biliran Philippines 6560

(053) 507-0014
op@bipsu.edu.ph