Sentro ng Wika at Kultura
Ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ay ang sangay na panrehiyon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Bukod sa mga gampaning pangwika, ang Sentro ay inaasahang lumahok at kung maaari’y manguna sa pagsusulong ng mga katangiang pangkultura ng pook (bayan, lalawigan, o rehiyon) na kinalalagyan nito. Noong Setyembre 2016 ay naitatag ang Sentro ng Wika at Kultura sa Biliran Province State University (BiPSU) na dating kilala bilang Naval State University (NSU). Pinagtibay naman ang pagtatatag ng SWK noong Abril 2017 sa pamamagitan nga Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 17-31 Serye 2017- Mangasiwa ng mga aktibidad, gaya ng kumperensiya, seminar, palihan, gawad, timpalak, at katulad para sa pagpapalaganap ng wikang Filipino nang may kaukulang pahintulot ng KWF;
- Lumahok at kung maaari’y manguna sa pagsusulong ng mga katangiang pangkultura ng pook (bayan, lalawigan, o rehiyon) na kinalalagyan nito;
- Magsagawa ng mga proyekto sa saliksik, pagtitipon, at pagtatanghal ng wika at kultura ng naturang pook;
- Magtatag ng matalik at mabisang ugnayan at pakikipagtulungan sa mga organisasyon at institusyon sa loob at labas ng unibersidad, lalo na sa DepEd, CHED, TESDA, DOT, NCIP, DILG, people’s organization ng mga katutubo, at LGUs sa pamamagitan ng Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR), tungo sa katuparan ng mga adhikang pangwika at pangkultura nito;
- Magtaguyod sa lahat ng kampanya at proyekto ng KWF, lalo na sa pagpapalaganap ng wikang Filipino at sa pangangalaga sa kapakanan ng mga guro sa Filipino.